Sabungerong negosyante nilikida sa Iloilo

PATAY ang isang sabungerong negosyante matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Santo Tomas, Passi City, iloilo, iniulat ngayon ng pulisya.

Ang biktima ay kinilalang si Nestor Cirilo, 49, ng Railway St., Brgy. Poblacion Ilaya, Passi City.

Nagtamo ang biktima ng 11 tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang narekober sa crime scene ang pitong empty shell at dalawang slug ng .45 caliber pistol.

Sa panayam kay PO2 Michael Catalogo, imbestigador ng Passi City PNP, apat na suspek na sakay ng motorsiklo ang humarang at bumaril sa biktima.

Isa sa hinala ng pulisya na motibo sa krimen ay ang pagiging mahilig ng biktima sa sabong.

Nabatid na ang biktima ang nagmamay-ari ng piggery at fishpond sa lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply