Sagot ng MTPB chief ukol sa sahod ng enforcers (2)

ITULOY natin ang sagot ng MPTB sa pangongotobng ng ilang traffic enfocer ng
Maynila.

“Bago pa magsimula sa tungkulin ang isang Volunteer ay batid na nilang Tatlong Libong Piso lamang ang kanilang matatanggap na allowance at kung sumang-ayon sila rito ay wala silang karapatang gumawa ng pangongotong o anomang katiwalian sa kanilang tungkulin at ikakatwiran na kaya nila nagawang mangotong ay dahil sa maliit lang ang kanilang natatanggap.

Dapat ay hindi na sila pumasok bilang volunteer kung alam nilang maliit lang pala ang kanilang matatanggap na allowance sa una pa lamang.

Sila ay gumugugol lamang ng anim na oras na paglilingkod sa isang araw.

Ito ay upang ang iba pang mga oras ay makahanap sila ng ibang pagkakakitaan sapagkat hindi talaga nila pwedeng asahan ang tatlong libong pisong allowance para ibuhay sa kanilang pamilya. Ito ay napaka-imposible, kaya nga’t maikli lamang ang oras ng kanilang duty.

Sa puntong pagsibak sa mga volunteer na nakagawa ng kasalanan, ito ay depende sa kaso, sapagkat kung hindi naman kabigatan ang nagawang kasalanan ay ina-aasign lamang ito sa opisina o sa iba pang unit ng MTPB. Ngunit kung mabigat na ang mga kasalanang nagawa tulad ng pangongotong o halos hinohold-up na ang kanilang sinisita o hinuhuli sa paglabag trapiko ay agad na itong tinatanggal sa tungkulin oras na mapatunayan ito.

Hindi nagkukulang ang kanilang mga commander sa pagpapaalala sa kanila upang hindi gumawa ng mali, ngunit may iba na ang hanap talaga ay ang gumawa ng pera sa kalye.

Ito ay aming hindi kinukunsinti bagkus ay kinasusuklaman.

Kung wala nang tiwala at kompiyansa ang aming pamunuan sa isang volunteer Enforcer dahil sa ginawa nitong katiwalian sa tungkulin ay may dahilan na kaming ito ay tanggalin sa tungkulin.

Ang MTPB ay buong pagmamalaki na may malaking income na naipasok sa kaban ng bayan at hindi sa bulsa nang kung sino mang empleyado.

Sa katunayan, noong FY 2009 ay kumita ang tanggapan ng P69,161,426.25.

Noong DY 2010 ay kumita naman ng halagang P72,042,899.51 at noong nakaraang taon (2011) ay P94,454, 927.95.

Batid naming maraming natanggal na volunteer sa aming tanggapan bunga na rin ng aming paglilinis sa aming hanay ng mga pasaway at gumagawa ng katiwalian sa kanilang tungkulin.

Hindi kami magtataka kung babatuhin ang aming tanggapan ng kung ano-anong paratang na taliwas sa katotohanan.

Malamang ay pawang maling impormasyon ang naiparating sa Lily’s Files kung kaya’t naisulat ang ganitong istorya na marahil ay nagmula sa mga naapektuhan ng aming paglilinis sa aming hanay sa MTPB.

Taas-noo po ang  pamunuan ng MTPB at tuloy-tuloy po ang aming isinasagawang paglilinis  sa aming hanay lalo na sa  mga gumagawa ng katiwalian at anomalya.

Umasa po kayo na ang aming tanggapan ay hindi kumukunsinti sa mga maling gawain na nagagawa ng aming mga tauhan.

Maraming salamat po.”

MARIA NORISA M. VILLANUEVA
City Government Office Head

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply