Sagot ng MTPB chief ukol sa sahod ng enforcers

BIBIGYANG daan ng Lily’s Files Column ang sulat o sagot na ipinadala  ni MS. Nancy Villanueva, ang hepe ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ng Manila City Hall kaugnay ng ating column na nailathala noong nakalipas na Abril 24.

Ang nasabing column na may pamagat na “Manila Traffic Enforcers may dahilan sa kotong” ay ating tinalakay ang napakababang pasahod o allowance na ibinibigay ng MTPB sa kanilang mga traffic enforcer kung kaya may dahilan para mangotong ang mga ito.

Kayo na ang bahalang humusga sa sagot ni Ms. Nancy Villanueva ang hepe ng MTPB ng Manila City.

Ito ay bilang tugon sa nailathala sa Remate Ang Dyaryo ng Masa isyu noong Abril 24, 2012 sa pitak ni Lily Reyes na LILY’S FILES, na may pamagat na ‘MANILA TRAFFIC ENFORCERS MAY DAHILAN SA KOTONG”.

Sa nasabing column ay binabatikos kung bakit kakarampot lang ang allowance na natatanggap ng isang Traffic Volunteer sa tanggapan ng MTPB at hindi raw maipaliwanag kung ito ay suweldo o allowance.

Para sa kaalaman ng lahat, kada aplikanteng Volunteer ng MTPB ay dumaraan muna sa masusing screening. Doon ay binabanggit at ipinaliliwanag lahat ng alituntunin at patakaran ng nasabing tanggapan. Ipinababatid dito na ang isang volunteer ay walang natatanggap na sahod sa pamahalaang lungsod ng Maynila kundi allowance lamang na tatlong libong piso kada buwan, maliban dito ay wala na silang natatanggap pang mga allowance o benepisyo.

Ito ay nakasaad sa pinirmahan nilang “Contract of Services”. Sa oras  na sila ay matanggap ay mapalalagay ang kanilang pangalan sa plantilla na pinirmahan ng Punong Lungsod ng Maynila. Wala pa ang inyong lingkod sa MTPB ay ito na ang halaga ng allowance na tinatanggap ng mga Volunteer.

Kaya nga ito tinawag na Volunteer sapagkat maglilingkod sila nang kusang-loob, hindi pilitan at walang hinihintay na kabayaran.

Ipinaliliwanag din ng mabuti sa mga volunteer ang proseso at takbo ng kanilang allowance. ‘Di tulad ng mga regular na empleyado, Casual at Job Order, lubhang may katagalan nang kaunti ang pag-kubra ng kanilang allowance sapagkat pagkatapos ng buwan ay doon pa lamang tatakbo ang kanilang payroll. Ang nasabing allowance na tatlong libong piso ay makukuha nila ng buo at hindi ito hinahati sa dalawang bigayan sa loob ng isang buwan. (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply