Sakit na hatid ng matinding paninigarilyo at air pollution

ANG usok ng sigarilyo ay mayroong milyong tinatawag na “free radicals” na nakasisira ng ating “immune system” na nagiging sanhi ng impeksyon.

Kahit maraming pinagkukunan ng “anti-oxidants galing sa iba’t ibang uri ng pagkain ay hindi sapat ang nakukuha natin para labanan ang “free radicals.”

Kapag ang paninigarilyo ay sinamahan ng mahinang nutrition at sobrang pagkain ng matatabang pagkain, tiyak na mapupuno ang katawan natin ng “free radicals.

Ang kahihinatnan nito ay ang mataas na antas ng pagkakaroon ng kanser sa baga, sa bibig at “esophagus.”

Samantala, hindi lamang ang paninigarilyo ang nakaaapekto sa katawan kundi pati na ang usok na nanggagaling sa malalaking pabrika, mga sasakyan, at makinang nagbubuga ng usok.

Kadalasan, ang dahilan ng polusyon sa hangin ay nanggagaling sa mga hindi gaanong nasusunog na panggatong ng mga makinarya. Nakakadagdag pa rito ang mga hilaw na pagsusunog ng mga basura.

Halos daan-daang iba’t ibang pollutants ang nakapaloob dito. Merong mga nakikita at meron ding mga hindi nakikita ng ating mga mata. Kung tatanawin mo ang lugar sa bandang Manila ay makikita mong ang ire ay medyo “yellowish” at “brown haze” na nakalutang.

Ito ang nagdadala ng “contaminants” at merong mataas na antas ng “respiratory diseases” sa buong populasyon. Kadalasan dito ay ang asthma, emphysema at bronchitis.

Walang kaduda-duda na ang hatid ng air pollution ay deadly. Sa isang lugar na tinatawag na “freak weather condition ay kung saan ang mga namumuong mainit na ulap ay nakalutang sa malamig na hangin na nagiging sanhi para mawala ang bentilasyon ng hangin hanggang sa umabot sa mataas na konsentrasyon at nagkakaroon ng mapanganib na resulta. Ito ngayon ang tinatawag na “killer smog.”

Sulfur Dioxide na nanggagaling sa mga plantang gumagamit ng makina na kung saan ay bumubuga ng tone-toneladang usok na ating nalalanghap at nagiging sanhi ng pagkakasakit ng maraming tao.

Ang iba pang “major contaminants” na ating matagpuan dito ay ang “nitrogen oxides, lead, carbon monoxide, at hydrocarbons.

Malaking naitulong ang umiiral na “smoking ban” sa mga pampublikong sasakyan at mga lugar na pampubliko na itinataguyod ng MMDA. Gayundin sa mga iba’t ibang bayan o lungsod na ipinapairal ang ganitong ordinansa. Ang mga mahuhuling lumalabag sa batas na ito ay may parusang pagmumulta at pagkakulong.

Samantala ang “DENR – Clean Air Act” naman ay nagbabawal sa mga residente na magsunog o magsiga lalo na ng basura sa tabing bakod ng kanilang bahay. Ayon kay Executive Director Emy Aguinaldo ng National Soild Waste Management Commission (NSWMC), ang mahuhuling lumalabag sa batas na ito ay me parusa ng pagmumulta at pagkakulong depende sa klase ng bayolasyon na kanilang nagawa.

At siyempre pa, ipinagbabawal patakbuhin ang mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok sa ating mga kalsada na kung saan ay isa ito sa nagiging sanhi ng maraming Pilipinong nagkakaroon ng sakit na dala nito.

*****

Ugaliing makinig at manood sa programang “HEALTH & TRAVEL @ SERBISYO PUBLIKO with DR. HILDA C. ONG” sa DWBL 1242 kHz AM band, every Monday to Friday, 9:00-10:00AM.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply