Saklang patay at tong-its

SUNOD-SUNOD, sabay-sabay ang mga namamatay ngayon.

Lalo na ang mga senyor sitisen at may mga sakit gaya ng mga atake sa puso, istrok, hay-blad at iba pang matitinding sakit.

Sabi ng mga nauulila, dahil umano sa tindi ng init ng panahon.

oOo

Karamihan sa mga namamatay ang mga mahihirap na halos namamalimos o talagang namamalimos na ng pambili ng mga gamot.

Kasama na rin dito ang mga kalahati lang ng reseta ng mga doktor ang nakakayanang bilhin.

Dagdag na rin dito ang mga sumasandig lamang sa bentillador na pampalamig.

Eh kung mainit ang paligid, mainit na hangin din ang ibinubuga ng mga bentilador.

Pero kahit mayayaman ay natatamaan din.

May kakayahan nga lang ang mga ito na tumakbo sa mga ospital na erkon ang mga kuwarto at may mga pribadong doktor at nars pa.

Alam naman natin na kung may kakayahang magbayad ang isang pasyente, nagkakandabuhol-buhol ang mga doktor, nars, midwayp at iba pa sa pag-aasikaso sa kanya.

‘Di uso ang ded on araybal sa mga mayayaman.

oOo

Pero alam ba ninyo, Suki, ang ating nakikita sa pagbiya-biyahe sa gabi?

Dahil na rin sa dami ng mga namamatay sa sasabihin nating hit istrok, gayundin ang dami ng mga pasakla sa mga kanto-kanto o barangay.

Sala-salabat din ang mga tong-its at bingo mismo sa mga lamay.

Oo fund raising, Suki, ang ginagawa.

Kasi naman, hanggang P300-P500 lang ang bigay bawat isa nina gob, mayor, kapitan at iba pa.

Sa dami kasi ng mga namamatay ngayon, nalilimas pati ang kanilang mga sahod para sa abuloy lamang.

Pero ang kapuna-puna, nagtatagal ang mga saklang patay at iba pang sugal dahil sa hirap ng pag-iipon ng pambayad sa punerarya sa pamamagitan ng tong.

Suwerti ang promdi dahil pwedeng mailibing nang walang punerarya.

Ipagdasal natin sila!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply