Sako-sakong dinamita nakumpiska sa Cam Sur

TONE-TONELADANG dinamita ang nakumpiska ng mga awtoridad sa 13 Chinese national na hinihinalang sangkot sa illegal mining matapos silang arestuhin sa Camarines Sur, inulat ngayon ng pulisya.

Sa report na inihanda ni PO2 Joey Nerbato ng PNP Lagonoy, itinago sa isang bodega sa Sitio Binggit, Barangay Himagtucon, bayan ng Lagonoy.

Mismong si Mayor Delfin Pilapil Jr. na umano ang nagsumbong sa grupo ng mga sundalo kasama ang PNP Lagonoy nang malamang muling nabuhay ang pagpapasabog sa mga minahan.

Napag-alamang mayaman sa chromite ang nasabing bayan kung kaya’t ilang kompanya ang nagsagawa ng exploration sa lugar.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad kung ilan ang kumpletong bilang ng mga nakumpiskang dinamita.

Nanindigan naman ang nasabing alkalde na ipapa-cancel niya ang permit ng mga dayuhan upang hindi na makapagmina pa sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply