Salvage victim isinabit sa tulay sa Quezon City

MAKARAANG patayin ay isinabit pa sa ilalim ng tulay ang bangkay ng isang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Quezon City Police District (QCPD), ang hindi nakikilalang lalaki na tinatayang nasa 30-35 anyos ay nakasuot ng puting t-shirt at maong short pants, may malaking hiwa sa ulo na pinaniniwalaang pinalo ng matigas na bagay.

Blangko naman ang mga imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit kung sino ang nagkasa ng krimen pero siniguro na ang motibo sa krimen ay paghihiganti sa biktima.

Sa ulat, natuklasan ang nakasabit na bangkay ng biktima dakong ala-6 ng umaga sa isang tulay sa Araneta Avenue, Barangay Masambong.

Ayon sa nakadiskubre na isang batang lalaki, naglalakad siya sa lugar nang mapansin ang nakasabit na bangkay sa ilalim ng tulay.

Hinala ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at saka isinabit ang bangkay nito sa nasabing tulay upang iligaw ang ikakasang imbestigasyon ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply