Salvage victim napulot sa Malabon

NATAGPUAN ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage sa gilid ng isang palaisdaan Del Rosario St., Merville Subdivision, Dampalit Malabon City, kaninang alas-singko ng madaling araw.

Tinatayang nasa 5’5 ang taas, 25 hangang 30 taong gulang ang biktima na may tama ng bala sa ulo ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nakagapos din ang mga kamay nito ng electrical cord at may tuwalyang nakabusal sa bibig.

Ayon sa ulat dakong alas-5:00 kaninang madaling araw nang matagpuan sa nasabing lugar ng isang residente ang bangkay.

Naniniwala ang puliysa na sa ibang lugar pinatay ang biktima at saka itinapon lamang sa nasabing palaisdaan para iligaw ang mga imbestigador.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply