Salvage victim natagpuang nakasilid sa kahon

NATAGPUAN ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage na nakasilid sa kahon ng refrigeraton sa Road 10, Tondo, Maynila, kaninang madaling araw.

Ayon kay SPO4 Virgo Villareal ang biktima ay tinatayng nasa edad 35-40, may taas 5 talampakan, maiksi ang buhok, nakasuot ng kulay asul na athletic short at may tama ng tatlong saksak ng icepick sa dibdib.

Nakabalot din ng packing tape ang mukha ng biktima at maging ang kamay nito na nakalagay sa likurang bahagi ng katawan ay nakatali rin ng packing tape.

Isang hindi nagpakilalang basurero na naghahanap ng mapakikinabangang kalakal ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima.

Dinala na ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakilanlan ng biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply