Sanggol na hinagis sa 9th floor ng Pinay sa UAE, ligtas

HIMALANG nakaligtas ang bagong silang na sanggol na ihinagis ng kanyang sariling Pinay na ina mula sa ika-siyam na palapag ng isang apartment sa United Arab Emirates (UAE) kahapon, iniulat ngayon ng Khaleej Times.

Ayon sa report, nadiskubre ng isang watchman ang sanggol na nasa loob ng garbage bag bandang alas-5:00 ng hapon kahapon.

Agad na dinala ng mga paramedics sa ospital ang sanggol kung kaya nasagip ang kanyang buhay.

Matapos ang tatlong oras na imbestigasyon, nabatid na ang sanggol ay itinapon mula sa naturang palapag ng isang apartment ng kanyang sariling ina.

Ayon pa sa ulat ng Khaleej Times, ang nasabing Pinay ay iligal na nagtatrabaho sa isang Asian family.

Natagpuan ang naturang Pinay na nagdurugo matapos nitong isilang ang kanyang anak sa bathroom bandang alas-4:00 ng umaga kahapon habang natutulog ang kanyang amo.

Matapos ipanganak ang sanggol na lalaki ay isinilid ito sa plastic bag at doon na ito inihagis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply