Sanib-pwersa nina Erap at Binay binatikos

BINATIKOS ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang mga pulitikong naglalatag na ng kanilang political plan gayong malayo pa ang halalan lalo na ang 2016 Presidential elections.

Ang pahayag ni Bastes ay kasunod na rin ng ulat na ngayon pa lamang ay posibleng magsanib-puwersa sa presidential elections sina Vice President Jejomar Binay at dating pangulong Joseph Estrada, gayundin ang pagbuo na ng Senatorial line-up ng United Nationalist Alliance (UNA).

Ayon kay Bastes, sa halip na pulitika, mas dapat pagtuunan ng pansin ng mga pulitiko kung papano tugunan ang kagutuman at kahirapan sa bansa.

Iginiit pa ng Obispo na ang maagang pamumulitika ay patunay lamang ng pagiging makasarili ng political leaders sa magbago at pagsilbihan ang kapwa na mensahe ng muling pagkabuhay ni Hesukristo nitong katatapos na Semana Santa.

“Sana iyan ang mabago sa Pilipinas! Ang maagang pamumulitika! Matagal pa naman ang halalan, pulitika-pulitika na! Sarili na naman nila ang iniisip and the serious problems of our nation ay nakakalimutan na dahil sa pulitika. Ang taong bayan ay nakakalimutan na! I don’t really like it. That’s too early.  Let’s forget too much politics, instead, let us try to help our people na maiahon sila sa kahirapan,” ayon pa kay Bastes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply