Sarah Geronimo may sarili ng coffee shop

USAP-USAPAN sa buong compound ng St. Charbelle riyan sa may Mindanao Avenue na maliban sa magarang bahay ay dalawang malalaking lote pa ang nabili ni Sarah Geronimo sa nasabing lugar.

At heto pa ang latest, ‘yung dinudumog ngayon ng customers na sikat na coffee shop na Starbucks ay pag-aari rin ni Sarah.

Bale nag-franchise siya ng sarili niyang branch at nagtagumpay naman ang Pop Star Princess dahil parating SRO ang lugar. Ilan pa sa mga investment ng nasabing sikat na Young singer-actress/host ay ang resto na IMO”S PANCIT MALABON na located diyan sa may Brgy. Bahay Toro, Mindanao Ave. Tandang Sora QC, townhouse at pabolosang house na bayad sa pag-eendorso nito noon kay dating Senator Manny Villar.

Yes, among our youngstars maituturing na isa sa pinaka-richest sa kanila itong si Sarah. At masuwerte ito at nahawakan nang tama ni Mommy Divine ang pera niya na napunta nga sa maganda. At sa mga darating pang panahon ay madaragdagan pa ang kayamanan ni Sarah na lalo nitong ikayayaman.
Cheers to dat gyud!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply