Sarangani binaha: mga sasakyan stranded

STRANDED ang mga sasakyan kagabi, Biyernes Santo, Abril 7, dahil sa matinding pagbaha na naranasan sa bayan ng Alabel, Sarangani Province.

Ayon kay Alabel Vice Mayor Nonoy Salarda, umapaw ang tubig-baha sa national highway mula sa Molo creek.

Apektado rin ang daan patungong bayan ng Malapatan, dahilan para maantala ang biyahe ng mga sasakyan.

Wala namang naiulat na nasaktan o lumikas na residente sa naturang pagbaha.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply