Sasakyan ni Ombudsman Morales ginitgit sa QC

INIIMBESTIGAHAN na ng Quezon City Police District Station 10 ang panggigitgit sa sasakyan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ng isang Sport Utility Vehicle habang convoy na tumatakbo sa EDSA kaninang hapon.

Nagharap ng reklamo si SPO1 Jessie Caranto, team leader ng PNP-PSPG at bodyguard ni Morales sa himpilan ng pulisya makaraang gitgitin ang kanilang sasakyan dakong 4:40 ng hapon kanina habang binabaybay ang kahabaan ng southbound lane ng EDSA.

Ayon kay SPO1 Jun Vargas, desk officer ng QCPD station 10, isang gray na Mitsubishi Montero (PQG-457) ang gumitgit sa sinasakyan ni Ombudsman Morales mula sa nasabing lugar na umabot hanggang Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle bago pinatatabi ng convoy.

Nabatid sa ulat na sa halip tumabi ay pilit pa ring ginitgit ng hindi kilalang driver ng SUV ang sinasakyan ni Morales hanggang sa mabilis namang humarurot palayo ang naturang sasakyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply