Satisfaction rating ni PNoy ‘good’ na lang- SWS

BUMABA ang satisfaction rating ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III, na mula sa dating very good, ngayon ay ‘good’ na lamang, ayon sa Social Weather Stations.

Batay pa sa survey ng SWS, pito sa 10 Pinoy na lamang ang kuntento sa performance ni Pangulong Aquino.

Lumabas sa ikinasang SWS First Quarter Social Weather Report sa buwang nagdaan, na 68 porsiyento ang kuntento sa performance ni Aquino at 19 porsiyento naman ang hindi kuntento.

Ayon sa SWS, nakakuha si Pangulong Aquino ng “good” net satisfaction rate na + 49, matapos ibawas ang hindi kuntento (19 percent) sa mga kuntento (68 percent).

Ang bilang ay bumaba ng siyam na puntos mula sa very good net satisfaction rating na +58 (71 percent satisfied, 13 percent dissatisfied) nitong nakaraang Disyembre, napansin ng  SWS.

Ang klasipikasyon ng SWS ay ang mga sumusunod: excellent (+70 and above); very good (+50 to +69); good (+30 to +49); moderate (+10 to +29); neutral (+9 to -9); poor (-10 to -29); bad (-30 to -49); very bad (-50 to -69); and execrable (-70 and below).

Napansin din ng SWS na ang net sa first quarter satisfaction rating na +49 ni PNoy ay ang pangalawang pagkakataon na nakakuha siya ng “good” net rating. Nakakuha ito ng “good” net rating na +46 noong Hunyo 2011.

Nakakuha naman ng “very good” scores si PNoy na umabot ng +64 noong Nobyembre 2010.

Nabunyag din sa surevy na mas kuntento ang mga kababaihan sa performance ni Pangulong Aquino kaysa sa mga kalalakihan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply