Scarborough issue pag-uusapan sa meeting ng PHL, US– DND chief

SINABI ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na may posibilidad na maisama sa mga tatalakayin sa meeting ng Estados Unidos at Pilipinas ang umiigting na tensyon ng China at Pinas sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal.

Nakatakda ang naturang meeting nina Sec. Gazmin at ng kanyang counterpart na si US Defense Sec. Leon Panetta, sa susunod na linggo.

Kanya aniyang makakasama sa pulong si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Ani Gazmin, ang pangunahing tatalakayin sa pulong ay tungkol sa isyu ng regional, bilateral at defense.

Ayon pa kay Gazmin ang tunay na dahilan ng pulong ay ang plano ng Pinas na makipagnegosasyon para sa mga panibagong armas sa warships ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply