Scarborough pag-aari ng Pilipinas – DFA

TERITORYO ng Pilipinas ang Scarborough Shoal.

Ito ang nilalaman ng inilabas na posisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa Scarborough Shoal.

Dito ay inihayag ng DFA na ang kanilang naging batayan ay ang unang itinawag sa coral reef ng mga Kastila na Bajo de Masinloc o ibig sabihin ay ‘nasa ilalim ng Masinloc’ sa Zambales.

Iginiit din ng DFA na malinaw na bahagi ng Philippine territory ang mga nasabing bato kabaligtaran sa sinasabi ng China na hindi ito kasama sa Treaty of Paris na nagtatatag sa mga islang sakop ng Pilipinas.

Hinamon din ng DFA ang China na patunayan ang kanilang historical claims sa pamamagitan ng historical titles dahil ito ang kinikilala sa international law.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply