Scarborough Shoal crisis ididiretso na sa ITLOS

DADALHIN na ng Pilipinas sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) ang sigalot hinggil sa pagmamay-ari sa kontrobersiyal na Scarborough Shoal.

Sa isang biglaang pulong pambalitaan, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez na hindi na hihintayin pa ng pamahalaan ang sagot ng China sa paanyaya ng Pilipinas na samahan sila sa pandaigdigang korte upang maresolba kung sino talaga ang nagmamay-ari sa pinag-aawayang mga grupo ng islang hugis triangulo.

“Kung ayaw ng China na samahan tayo sa ITLOS, ang ating legal team na ang kusang pupunta sa korte,” pahayag pa ni Hernandez.

Ayon pa sa tagapagsalita ng kagawaran, kailangang gawin ng Pilipinas ang nasabing hakbang upang mapangalagaan hindi lamang ang territorial rights nito, kundi ang sovereign rights sa Panatag Shoal.

Gayunpaman, inulit din ni Hernandez ang pag-asang diplomatic solution sa pinagtatalunang Scarborough Shoal.

Nagsimula ang sigalot sa Panatag Shoal noong Abril 10 matapos masabat ng Philippine Coast Guard ang mga Chinese vessel na naglalaman ng mga yaman-dagat mula sa pinagtatalunang isla.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply