Scarborough Shoal ipaglalaban ni PNoy

HANGGANG sa huli ay ipaglalaban ni Pangulong Aquino ang karapatan ng bansa sa Scarborough Shoal.

“Hinahabol natin ay hindi i-escalate ang problema pero at the end of the day, obligado po ako, nasa Saligang Batas po ‘yan, kung di ako nagkakamali sa Article 2, and that I have to defend the patrimony. So ito po ay pag-aari natin, pagkatagal-tagal na po na pag-aari natin, recognized by international law, specifically the United Nations Convention on the Law of the Sea where we and China are both signatories,” ani PNoy.

Dagdag pa ni PNoy, kung patuloy na magmamatigas ang China na hindi dadalo sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) para pag-usapan ang usapin, idudulog na ng pamahalaan sa iba pang maimpluwensiiyang bansa ang isyu para mapalakas ang pwersa ng Pilipinas.

Samantala, naalarma naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa panibagong aktibidad ng Chinese fishing vessels sa Scarborough Shoal kasunod ng namataang panibagong barko na ipinadala sa lugar.

Nabatid kay Spokesman Raul Hernandez na may limang fishing vessels ng China ang nasa Panatag Shoal maliban pa sa isang fishing patrol vessel at isang maritime surveillance ship na ginamit ng nasabing bansa.

Ang mas nakaaalarma ay gumamit na rin aniya ang Chinese vessels ng lambat o “trawl” para mangisda sa lugar.

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply