Scarborough patuloy na babantayan– DFA

BAGAMA’T umalis na ang Chinese fishing vessels sa Scarborough Shoal, ay patuloy pa rin ang monitoring doon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Foreign Affair Secretary Alberto del Rosario, iisa na lamang ang Chinese Civilian Ship na nasa paligid ng Scarborough Shoal o Panatag Shoal.

Anang Kalihim na sinikap nila ni Chinese Ambassador Ma Ke Quing ang pagkakaroon ng pagpupulong kagabi (Abril 13) upang makabuo ng isang kasunduan kaugnay sa naganap na pananakop ng Chinese fishermen sa nasabing lugar sa ilalim ng inilunsad na “years of friendship” sa pagitan ng dalawang bansa.

Idinagdag pa ni Del Rosario na una niyang iginiit sa nasabing pulong na papayag ang Pilipinas na makabalik sa China ang mga Chinese boots kung papayagan ng Chinese authorities na makumpiska ng ating awtoridad ang mga endangered species na kinuha ng mangingisdang Tsino, subalit iginiit ng Chinese Ambassador na ang pag-iinspeksyon ay dapat gawin ng kanilang sariling awtoridad.

Nabatid din kay Del Rosario na dismayado siya dahil hindi man lamang naipatupad ng Pilipinas ang isinasaad sa Fisheries Code para makumpiska ang yamang-dagat na kinuha ng Chinese Fishermen sa karagatang ikinukonsiderang sakop ng ating bansa.

Sa kasalukuyan, wala pang plano o pahayag ang pamahalaan kung aalisin na rin ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na una nang ipinadala sa Panatag Shoal para magbantay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply