Scooter at sports level-up sa Suzuki

PANIGURADONG mahuhuli na naman ng Suzuki Philippines ang kiliti ng mga kabataan ngayong summer sa paglunsad nila ng dalawang exciting projects—ang paglunsad ng bagong scooter na Suzuki NEX at ang opisyal na pagbubukas ng Suzuki-PFF (Philippine Football Federation) Cup.

Ang pagpasok ng summer ay naging hudyat upang simulan ng Suzuki ang isa sa pinaka-aabangang football cup sa bansa. Ang kick-off game ay ginanap noong isang buwan (Marso 17)  sa Surigao Sports Complex kung saan ang Butuan City Football Association (BUFA) ang nagwagi laban sa home team ng Surigao. Sa kasalukuyan, ay nasa qualifying rounds pa lamang ang nationwide PFF-Suzuki U23 Cup, at ang huling qualifying round ay nakatakda sa Mayo 28 sa Panaad Football Stadium. Ang pagiging nationwide tournament na ito ay isa sa mga naging pangunahing kasunduan ng Suzuki Philippines at Philippine Football Federation dahil dito sa tournament na ito kukuha ang PFF ng kanilang mga football players na magiging bahagi ng Philippine team para sa SEA Games U23 cup sa 2013.

Ayon sa General Manager for Automobile ng Suzuki, ang katangi-tanging kahusayan at pagiging mapagkumbaba ng mga Filipino football players ay sumasalamin sa imahe ng Suzuki,at dagdag rin niya na ang development ng local sports ang isa sa mga isinusulong ng Suzuki. Ilan lamang sa mga produkto ng PFF-Suzuki U23 Cup noong mga nakaraang taon ay sina Joshua Beloya, Neckson Leonora, at Gerardo Valmayor III.

Samantala, isang engrandeng launch naman ang inilaan ng Suzuki para sa bagong scooter na kanilang handog para sa mga Pilipino, lalo na ngayong summer—ang Suzuki NEX. Ang 115cc scooter na ito ng Suzuki ay dinisenyo para sa mga estudyante, first-time riders, at maging sa mga first-time scooter owners. Maliban sa pagiging lightweight scooter nito, magaan din ang NEX  sa bulsa dahil sa Throttle Position Sensor (TPS) nito na siyang kumokontrol sa supply ng gas sa karburador. Ang mga internal components rin ng scooter gaya ng CVT at Magneto ay mas maliit at magaan kumpara sa ibang counterpart nito, kaya naman magaan at swabe talagang sakyan ang Suzuki NEX. Mababa rin ang seat height nito sa sukat na 735mm, para mas komportable ang pagsakay ng rider (lalo na ang mga baguhan).

Sa presscon na ginananap sa Sofitel ilang linggo na ang nakakaraan, sinabi ng Suzuki na ang Suzuki NEX ay ideal para sa mga kabataan na nagsisimula pa lamang matutong mag-motor. Patunay nito ay ang matitingkad na kulay na maaaring pagpilian sa mga NEX scooters—Pearl Flash Green, Pear Sakura Pink at Brilliant White Color. Ang Suzuki NEX ay nagkakahalaga ng PhP 60,900.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply