Security agency nilusob ng NPA, 50 matataas na armas tinangay

NILUSOB ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang security agency sa Butuan City at tinangay ang 50 matataas na uri ng armas kagabi (Abril 23).

Dumulog agad ang mga empleyado na ng Earthsaver Security Agency na may opisina sa Arujville Subdivision sa Barangay Libertad sa Butuan City Police Station 1, na pinangungunahan ni Ronnie Royo ireport ang pangyayari.

Ikinasa na ngayon ng pulisya ang pagtugis sa mga miyembro ng Front Committee ng NPA sa ilalim ng commanding officer ng special operations ng Cesar Cayon command.

Ayon kay Royo, biglang pumasok sa kanilang tanggpan ang mga suspek na lulan sa dalawang sasakyan at nagpakilalang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at kinulimbat ang kanilang mga armas.

Kinumpirma naman ni Ka Oris, na tumatayong tagapagsalita ng National Democratic Front-North Eastern Mindanao Regional Command (NDF-NEMRC), na ang Front Committee 4 ng New People’s Army ang pumasok sa security agency at tumangay sa 50 iba’t ibang klase ng armas ng kanilang raiding team na kinabibilangan ng tatlong sniper rifles, pistola at karamihan ay AK-47 rifles.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply