Security officer binoga, tigbak

PATAY agad ang isang commander ng security guard matapos itong pagbabrilin ng riding-in-tandem sa tapat ng pabrikang binabantaya sa Bosilao St., Bagbagin Valenzuela City kaninang umaga (Abril 24).

Nakilala ang namatay na biktima na si Salvador Niepes, 58, security officer ng Kalibre 45 Security Agency at nakatalaga sa Aparrel Garment factory sa nasabing brgy., dahil sa tama ng baril sa batok na tumagos sa mata.

Nabatid na papasok sa trabaho si Salvador habang nasa tapat ng nasabing pabrika nang dumating ang mga salarin lulan ng hindi naplakahang motorsiklo at binaril ang biktima.

Pinag-aaralan ng pulisya ang anggulong pagnanakaw base na rin sa salaysay ng saksing si Erwin Espina 33, security officer ng Porvido Security agency na nakita na nakipagbuno muna si Salvador sa suspek bago binaril sa batok.

Tinangay ng mga tumakas na salarin ang bagpack ni Salvador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply