Sekyu binoga sa Sta. Mesa, patay

NASAWI ang isang security guard makaraang barilin at saksakin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa barangay kagawad sa lugar, nakita pa nilang buhay si Salderico Marteja sa binabantayan nitong establisimyento subalit pagbalik nila ay duguan na ito.

Dahil dito, agad na ipinagbigay alam sa mga pulis ang insidente kung saan nakitaan ang biktima ng tama ng bala sa ulo at saksak sa leeg.

Hinihinalang pagnanakaw ang motibo sa pagpatay sa sekyu dahil nawawala na ang service firearm at ilang mahahalagang gamit nito.

Patuloy pang iniimbestigahan ang naturang krimen.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply