Sekyu ng resort sa Bora todas sa mga kawatan

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang security guard nang pagsasaksakin ng may apat na hindi nakikilalang kalalakihan na nanloob sa binabantayan niyang beach resort sa Barangay Balabag, Boracay.

Dead on the spot sanhi ng tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Dominador Antonio, guwardiya sa Villa Sunset Resort sa Barangay Balabag.

Ikinasa na ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang pagtugis upang panagutin sa krimen ang mga suspek na pinaniniwalaang taga-ibang barangay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa compound ng naturang beach resort.

Bago ito, sinita ng biktima ang pagpasok sa binabantayang resort ng mga suspek pero imbes magpaliwanag ay sinalubong ito ng mga saksak.

Hindi naman nabanggit ng pulisya kung may nakuhang mahahalagang bagay ang mga suspek sa opisina ng naturang resort.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply