Sekyu niratrat ng riding-in-tandem, dedo

DEAD on the spot ang isang security guard nang pagbabarilin ng dalawang lalaking naka-motorsiklo ang sinasakyang traysikel habang kasama ang kanyang pamilya sa Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Daryl Banaybanay, 27-anyos residente ng Barangay Holy Spirit na nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Wala pang ideya ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kung sino ang pumatay sa biktima.

Naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa De Leon St. sa Barangay Holy Spirit.

Bago ito, lulan sa isang traysikel ang biktima kasama ang kanyang may-bahay na si Rose at dalawang anak. Patungo ang pamilya Banaybanay sa isang bus terminal para magbakasyon ng ilang araw sa Zambales.

Pagsapit sa naturang lugar, sa hindi malamang dahilan ay biglang niratrat ng mga suspek ang tumatakbong traysikel at kaagad tinamaan si Banaybanay.

Ayon sa tricycle driver, napansin na niyang binubuntutan sila ng dalawang kalalakihang naka-motorsiklo pero sa pag-aakalang pareho lamang ang kanilang destinasyon ay hindi na niya ito pinansin hanggang sa naganap ang pamamaril.

Ani Rose wala siyang alam na may kaaway ang kanyang mister.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply