Semana Santa at ang sinasabi ng bayan

KAHAPON ay pormal na nagsimula ang pitong araw na Mahal na Araw.

Araw o Linggo ng Palaspas ang tawag ng mga banal ang unang bahagi ng Mahal na Araw.

‘Yun bang === araw na sinalubong ng mga Israelita o Hudyo si Hesus habang papasok sa Herusalem para lang ipako ng mga makapangyarihan at mayayaman sa kanyang panahon.

Sa atin, yung mga dahon ng niyog ang ginagawang palaspas at binebendisyunan ng mga pari.

Bukod sa palatandaan ito ng masaya at mataimtim na pagsalubong sa Tagapagligtas, panlaban din umano ang palaspas sa sakit at sa mangkukulam at demonyo na gustong pumasok sa tahanan kaya inilalagay ito sa may pintuan.

TIGIL-PUTUKAN O CEASEFIRE

Ang totoo, ang Araw ng Palaspas ay simula talaga ng giyera na inilunsad ni Kristo sa kanyang mga huling araw na paglalakad sa lupa.

Giyera na sa huli ay humantong sa pagbitay sa kanya sa bundok ng Kalbaryo ng mga makapangyarihan na ayaw magbago kahit kaunti.

Kaya naman, gusto man nating magpahinga at magnilay-nilay kung ano ang nasa kasalukuyang panahon ang giyera ni Kristo noon, hindi natin magawa.

Kahit Semana Santa ay may nagaganap na giyera.

Pero hayaan natin ang bayan na magsalita, kung anong giyera ang gusto nilang ilunsad.

Kaya heto ang kanilang mga mensahe sa pamamagitan ng text messages.

REKLAMO SA SSS

Magandang araw po! Ako po si Emilio Borata, ng Parola, Tondo, Manila. Member po  ako since 1992 ng SSS. Sinubukan ko po na mag-loan  kasi kailangan ng pamilya ko.
Hindi nila inaprubahan kasi  wala raw po akong birth certificate. ‘Di po ba talaga ako makakapag-loan sa kawalan ko ng birth certificate? +63915787….

Hanggang ngayon nga po, kahit na bayad na kami nang matagal sa aming  nakalipas na loans ay hindi pa rin kami makapag-apply ng bago dahil hindi po updated ang payments lalo na sa branch nila sa Legarda, Sampaloc. Imagine, kumpleto po kami ng resibo pero ang laging sagot nila ay “hindi pa po na a-update.” Salamat po sa inyong concern. Sam Hugo, ng Sampaloc, Manila. +63908142….

PUNA UKOL SA SSS

Gud am po, Sir Benny  Antiporda! Saludo po kami sa inyo at ibinulgar niyo ang totoo sa mga miyembro ng SSS. Pera ng mga member ang pondo ng SSS pero sila lang ang manager dahil nasa katungkulan sila! Ginagawa lang nilang instrumento at palabigasan ang mga naghihirap na mga miyembro! Masyado silang garapal. Sana kunin na sila ni LORD.  Thanks sa Remate at sa mambabasa na publiko. Sana makasuhan din sila at  sa puwesto! Kawawa naman kaming maliliit na miyembro! Niloloko lang pala nila. Mabuhay po kayo at more power! Ben Fadriquela. +63947697….

PUNA KAY PNOY

Tama ang Malakanyang sa pagsasabing ang kanilang mga itinalaga o appointees sa iba’t ibang matataas na posisyon sa gobyerno na mga kamag-anak ng mga kaalyado ni PNOY ay mga kuwalipikado. Pero ang masama riyan ay parang wala nang ibang Filipino na kuwalipikado kundi  mga kamag- anak at tuta lang nila. Ang delikado rito, ay wala nang check and balance at dito lumulusot ang graft and corruption. At ‘di maiiwasan na  mangyari yan. Hindi kaya ito mali, PNoy? +63920823….

1965 PA HINDI NASESEMENTO

Sir Benny, pakikalampag naman ang mayor namin na si Oscar Rodriguez, ng San Fernando City, Pampanga. Lahat kasi ng daan dito ay halos nasementuhan na. Bukod tanging ang 1st Ave. (paliko), Unisite Subdivision, Del Plar, San Fernando City Pampanga lang ang hindi pa. 1965 pa kami nandito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ginagawa. Lumapit na kami kay Rep. Dong Gonzales at sabi aayusin raw. Pero wala pa ring nangyayari. Kapag umulan, bangka na naman ang katapat namin. Please po! Kawawa ang mga apo namin na nag-aaral. Mga  anak namin ay nagsipag-asawa na pero ganito pa rin ang daan. Help us. Thanks. +63999443….

ABUSADONG MGA PULIS

Pinakikinggan ko ang mga kuwento sa mga telebisyon lalo na ang kawalan ng respeto sa mga pulis. Dito sa Masbate, talamak din ang mga abusadong pulis. +63946994….

KOTONG COPS SA TAGUIG

Dito sa Taguig City,  madalas po ang mga pulis na nakikitang nangongotong gamit ang service patrol car nilang itim. Tama po ang sumbong ng isang texter niyo.  Tapos dito po sa East Service  Road, sa harap ng TESDA, kung pupuwede sanang malagyan ng traffic enforcer. Marami na pong nababangga rito na guard, empleyado ng TESDA at estudyante dahil matao  po ito. Walang pakialam ang mga motorista. Mayor Lani Cayetano, bigyan naman po ninyo ng pansin ito.    +63948840….

KULONG SA LIBELO

Good day po. Gusto ko lang mag-react sa panukala ni Sen. Angara na pag-amyenda sa parusang kulong sa kasong libelo. Sa tingin ko, ‘di na dapat pang baguhin o alisin ang kaparusahang iyon para magsilbing kontrol sa mediamen at  maging responsable sila sa kanilang mga paghahayag.

Marami na kasi sa  mediamen ang gumagamit ng kanilang propesyon para manira at manlait na lang ng tao. Kaya ‘di natin maiiwasan na sa galit ng mga taong tinutukoy ay magagawa nilang patayin o ipapatay ang mga sumulat.

(Lahat ng pinupuna ng media ay may karapatang sumagot ngunit hindi naman makatarungan na daanin ito sa pamamaslang. Kayo po mismo ay binigyan ng espasyo rito) +63919899….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply