Sen. Jinggoy at Erap magkakontra sa National Artist

MAGKAIBA ang gusto ng mag-amang Sen. Jinggoy Estrada at former President Joseph Estrada sa pagpili ng susunod na magiging National Artist sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Ang napipisil ng senador ay si Dolphy.  Aniya, dahil daw sa edad ng Comedy King, sa kalagayan ng kalusugan at habang nabubuhay pa ito ay marapat lamang na gawaran na ito ng nasabing award.

Ngunit dapat din daw kilalanin sina Governor Vilma Santos, Nora Aunor at Eddie Garcia. Lahat daw sila ay deserving to be National Artist. Samantalang ayon naman kay Erap, dapat si Nora ang gawaran ng pagkilala bilang National Arist dahil sa mga nagawa nito sa pinilakang-tabing.

Pero inayunan ni Ate Vi si Sen. Jinggoy. Dapat daw mabigyan na ng naturang award si Dolphy habang buhay pa ito. At kahit naman hindi ikonsidera ang kalusugan ni Mang Pidol, talagang deserving siyang gawaran ng parangal dahil sa mga naiambag niya sa mundo ng pag-arte.

o0o

Kaplastikan ang pakikipagbati ni Cristine kay Ara

NAPILITAN lang si Cristine Reyes na makipagbati kay Ara Mina dahil sa payo sa kanya ng Viva at ng kanyang mga handler. Pero kung ang desisyon n’ya ang masusunod ay hindi raw ito hihingi ng tawad sa half-sister nya. Matigas daw ang ulo nitong si Cristine. Kahit ang nanay nila ay pinaiiyak nito sa konsumisyon.

Kaya nga kahit mga karelasyon ay walang nagtatagal sa kanya sa kabila ng maganda naman siya. Mas trip nitong siya ang naghahabol sa lalaki at mang-agaw ng ibang boyfriend.

o0o

Paula Bianca nominado sa Tambayan 101.9

NOMINADO si Paula Bianca Cuneta as Best New Artist for 2012 at ABS-CBN’s Tambayan 101.9 FM. Ang kanyang carrier single from the self-titled album’s Paula Bianca’s “Napakasakit naman” composed by Vehnee Saturno under Viva/Vicor Music ay most requested song sa naturang estasyon.

Suportahan natin ang magaling na singer sa pamamagitan ng pagboto sa kanya, please type Tambayan33 and send to 2331 Globe and Sun…231 for Smart and Talk N Text. You can vote maximum of 5 texts a day from April 9 to May 13.

o0o

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply