Senate probe sa Scarborough issue sa Biyernes na

IIMBESTIGAHAN na ng Senate committee on foreign affairs ang isyu ng standoff sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang Scarborough shoal sa Biyernes (Abril 27).

Pangungunahan ni Sen. Loren Legarda ang pagsisiyasat sa Environmental Security ng Pilipinas at maging ang kahandaan ng militar na ipaglaban ang karagatang nasasakupan ng bansa.

Aalamin din ng komite kung paano magiging kapaki-pakinabang sa isyu ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

Ipinatawag naman ng senadora ang mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of National Defense (DND) at mga eksperto sa International Law.

Layunin ng pagdinig na maisulong ang diplomatikong solusyon sa tensyon ng dalawang bansa sa nasabing shoal.

Kaugnay nito, inilatag ni Pangulong Bengino Aquino III ang ilang paraan para sa mapayapang maresolba ang girian.

Kasama dito ang pagdulog sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) kahit tinatanggihan ito ng China.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply