Senate probe sa Scarborough sinuportahan ng M’cañang

SINUPORTAHAN ng Malakanyang ang pagdinig ng Senado ukol sa gusot ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, karapatan ng mga mambabatas na malaman mismo sa mga kinauukulang opisyal ang sitwasyon sa Scarborough Shoal.

Ani Valte, hindi ito dapat na masamain ninuman gaya ng China dahil patuloy ang ginagawang diplomatikong paraan para resolbahin ang problema.

Ngayong araw, nagsagawa ang Senate Committee on Foreign Relations na pinamumunuan ni Sen. Loren Legarda ng public hearing na dinaluhan ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense.

Pinadalo ng Malakanyang sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Defense Secretary Voltaire Gazmin sa pagdinig upang magbigay ng linaw sa naturang isyu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply