Senator Bong tuloy na sa soap opera

NANG nakausap namin si Nadine Samonte sa set ng Valiente ng TV, nasabi niyang okay na sila nang magkita ni Iwa Moto. Tapos na talaga sila ni Leandro at masaya na naman siya kay Emerson.

Pagdating sa pag-ibig ay very open si Nadine. Nasabi niyang okay lang mag-propose na sa kanya si Emerson ng kasal basta huwag muna siyang mag-aanak.

Ani Nadine: “Naku, wala pang proposal sa akin si Emerson. Okay rin ‘yon sa akin dahil bata pa naman kasi ako at nag-e-enjoy pa rin sa showbiz. May contract pa ako sa TV 5 ng two years.”

Kahit mahirap ang mga eksena ni Nadine sa Valiente dahil sa takbo ng istorya ay nabubuking ang katiwalian na ginawa ng pamilya ni Nadine na Braganza sa mga Valiente, apektado siya nang husto dahil mahal niya si Gardo Valiente na role ni JC de Vera.

000

NAKAALIS na ng Pilipinas ang grupo nina Rhian Ramos, TJ Trinidad at Alden Richards para sa premiere night ng The Road sa Los Angeles, California.

Excited si Alden sa first trip niya patungong USA na natupad lang nang maging GMA7 contract star siya at napa- sama agad sa The Road na first local produced movie na makape-penetrate sa American market iikot sa America at Canada.

Bago umalis si Alden, nasabi niyang malaking karangalan ito on his part na mapabilang sa The Road. Parang kay bilis nang career ni Alden sa GMA7 buhat nang pumirma siya bilang leading man ni Louise delos Reyes via Alakdana.

Kahit hindi sunud-sunod ang soap opera niAlden, gumawa naman siya ng dalawang movies agad sa GMA Films, ang The Road at Tween Academy. Ngayo’y mapanonood siya sa My Beloved.

000

DI natuloy ang pagpunta ni Bea Binene sa Hong Kong para mag-relax at mangilin ngayong Mahal na Araw. Kasi ba naman ay super busy ang kanyang schedule: Alice Bungisngis, Tween Hearts, Good News at Party Pilipinas.

Ani Bea: “Gusto ko sanang samantalahin ang pagpunta sa Hong Kong para mag-relax at mangilin. Siyempre, gusto ko ring bilhin ang mga gamit na matagal ko nang inaasam na magkaroon.

“Pero, nabigo nga akong makakuha ng bookings sa eroplano at hotel. Late na late na ang bookings namin, minabu- ti na lang naming mag-relax sa isang resort sa Batangas.

Nakatulog ako ng mahimbing at nakapagsimba rin.”

Sobra ngang napagod si Bea sa mga assignments niya pero hindi siya marunong tumanggi sa mga grasyang tinatang- gap niya. Masaya siyang maraming ginagawa.

Napasasaya niya ang mga fans niyang sumusubaybay sa kanyang career.

Sa Tween Hearts tuwing Sunday, nagsimula nang magbakasyon ang mga tween sa La Virginia Resort sa Mataas na Ka- hoy, Lipa City. Enjoy ang mga kabataan doon dahil sa malamig na lugar at magandang kapaligiran na makikita ang Taal Lake.

000

TULOY na talaga ang pagpasok sa soap opera ni Sen. Bong Revilla (Dapat lang! that kind of machismo should be frequently seen! -Ed) uvia Indio soap. Sisimulan na raw ito sa Mayo pero habang di pa nagsisimula ang soap, excited din si Bong sa paglabas niya tuwing Sunday sa Kap’s Amazing Stories na tuluy-tuloy ang istorya tungkol sa karagatan ng mga isla na mayaman sa likas na kayamanan sa dagat.

Last Sunday ay natalakay ang hinggil sa mga tao na ninirahan sa tubig sa Pilipinas, ang mga Badyao.

000

TUMUNGO na sa Harvard University si Vice Mayo Isko Moreno para mag-aral doon ng kursong Governance, Nasabi ni Isko sa 24 Oras ng GMA 7, na makakatulong ang pag-aaral niya para sa pagma-manage niya disaster, maging natural calamities ito o gawa ng mga tao.

Hindi akalain ni Isko na makapag-aral siya sa Harvard, na matatagpuan sa Boston, Massachusettes, USA.

Nagsikap lang si Isko sa buhay kaya narating niya ang kanyang kinalalagyan ngayon.
Galing siyang eskuwater na nagpupulot ng basura, naging padyak driver hanggang naging artista. Kumuha ng Law course sa Arellano University.

000

SI Derrick Monasterio naman ay kinuha ng Malacanang Palace bilang Youth Ambassador for Education.Kasi, kahit busy  ngayon si Derrick sa pag-aarstista ngayon na bida sa Alice Bungisngis, Tween Heart at Party Pilipinas, may oras siya lagi sa pag-aaral.

Ganyan si Derrick, sobrang organize at masunurin sa kanyang mga magulang at nakatatanda kaya okay naman ang buhay ngayon. Kahit busy siya ay laging may oras siya sa pag-aaral.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply