Senglot nakaladkad ng tren, dedo

ISANG nakainom na lalaki ang namatay makaraang masagasaan at makaladkad ng tren sa Cabuyao, Laguna, iniulat ngayon.

Ayon sa report ng dzBB ngayong umaga, galing sa isang party ang biktimang si Edwin Mananquil, 43, nang mapagpasiyahang umupo sa   railroad tracks at hindi napansin ang paparating na tren ng Philippine National Railways dahil sa hinihinalang nakainom ito.

Hinihinalang hindi kaagad nakahinto ang tren dahil madilim sa naturang lugar kung saan hindi maaninag kung may taong nakaupo sa naturang riles.

Nabatid pa na nakaladkad ang katawan ng biktima ng ilang metro ang layo mula sa pinagbanggaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply