Sexy star na kapapanganak lang, ginugutom pala ni politician pati ang kanyang baby!

KAWAWA naman ang sexy star na’to at ang kasisilang lang niyang baby dahil sa ginugutom pala sila ng kanyang papang politiko na ama ng kanyang anak. Hindi daw marunong tumupad sa kanyang pangako ang politician gaya ng sustento sa kanyang anak.

Mas inuuna pa yatang inaatupag ni Gov., este politician pala, ang pambababae kaysa asikasuhin ang mga pangangailangan ni sexy star at ng kanyang anak dito kaya binabalak na lang ngayon ni sexy star na dalhin ang kanyang anak sa malayong probinsya kung saan may mataas na tungkulin ang babaerong politiko.

Pero teka lang. Di ba bawal magpakita roon itong si sexy star sa dahilang hindi pa sila kasal ni politiko? Ang sistema kasi, bawal sa tradisyon nila (politician) na makabuntis ng isang babae lalo’t hindi pa sila kasal ng kanyang ka-relasyong babae.

Well, mabuti na lang daw at kahit papano may mga nakukuha pa rin itong si sexy star kahit pabarya-barya lang ay may kinikita pa rin ito. Pero ang nasambit na sexy star ay sobrang inis na talaga rito sa nakarelasyon niyang politiko.

oOo

Nang Dahil sa Pag-ibig ng ABS-CBN bumabagsak na ang rating!

SA TOTOO lang, hindi lamang si Cristine Reyes ang apektado sa pagbagsak ng rating nang Nang Dahil sa Pag-ibig, maging ang mga pangunahin artista rito na sina Piolo Pascual at Christopher De Leon ay apektado din dahil sa kung hindi daw magbago ang lackluster rating ng show, siguradong matsutsugi ito sa ere.

Naapektuhan ang rating ng Nang Dahil sa Pag-ibig dahil sobrang nega talaga ngayon ni Cristine Reyes buhat ng magpasabog ito ng mga text messages patungkol sa kanyang Ate Ara Mina. Dagdag pa riyan na kaliwa’t kanan ang banat ngayon ng mga entertainment press rito lately.

Dapat siguro mag-sorry rin itong si Cristine roon sa mga sinabihan niyang reporter na cheap raw. At bago pa man tuluyang malaos itong si Reyes, mas mabuting gumawa na siya ng hakbang para maayos ang mga gusot nito sa movie press.

oOo

TULUY-TULOY ang mga big-event ngayon sa White Bird Entertainment Bar this Saturday ay April 28, 2012 may show ang WB na may titulong Splash Wet ang Wild Party na tatampukan siyempre ng mga gwapo at fresh na modelo at mga macho dancers rito.

Siguradong mag-iinit na naman nang todo ang mga masusugid nilang parokyano sa pagrampa sa entablado ng mga papabol ng White Bird. At para sa mga detalye, tawagan lamang or i-text si Mama Gretta sa kanyang CP# na 0921-7405735.

Epek na ba ito, Sir Jordan ang Sir Joven? Present kaya sa event na ito sa White Bird ang dalawang matronang aging actess? Abangan!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply