Sharon nangarap maging Oprah Winfrey

TRIVIA lang ito. 46 years old na si Sharon at 23 years old na sa showbiz kasama na rito ang career niya sa ABS-CBN. Kaya wala tayong karapatang humusga at pagdudahan pa ang loyalty niya kina Gabby Lopez at Charo Santos, et al. kahit lumipat na siya sa TV5 Kapatid Network. Naman.

Don’t ask or teach her loyalty because she is it habang nangiya-iyak siyang humarap sa entertainment press set against the refreshing terra cotta-inspired set ng kanyang bagong show “Sharon: Kasama Mo, Kapatid” na isinagawa sa dating Delta Theater, Quezon Ave., na ngayon ay isa na sa mga studios na pag-aari ng TV 5 mismo.

As usual late na namang dumating si Sharona pero hindi kasing-late nung huling pa-presscon niya sa ABS-CBN. Kaya hindi magkakandaugaga sa kaka-estima sa anxious press the gorgeous ladies and top guns ng PR dept. na sina Peachy, Lhot at Judy. Kung alam lang ni Sharon the anxiety that the PR ladies went through with her coming late act.

Sabi nga ng isang malabigang reporter, “Ewan ko ba. ‘Yung pa-late-late na ‘yan hindi naman si Sharon ang original ‘dyan. Si Nora Aunor ang original ‘nyan kaya huwag na siyang manggaya pa.”

Sa kahihintay kay Sharon daldalan nang daldalan tuloy kami ng tinatawag kong “Walking History of Phil. Showbiz” na si Alfie Lorenzo.

Nasabi pala ni Alfie in one of his casual encounters with Sharon na nung nasa-ABS-CBN si Sha hindi niya nagustuhan ang mga pinaggagawang show ng Megastar.  Ginawa raw kasing “gay bar queen” si Sharon referring to the show na karamihang mga guests ay  pawang mga baklang entertainers na galing sa mundong kabaklaan ng sub-culture ng comedy bars ng bansa. Nasundan din daw ito ng isa pang napaka-negang show na ang titulo tells it all, “The Biggest Loser” which is Sharon dahil hindi naman daw pumayat si Sharon sa bandang huli.

Natandaan ko rin na in one of my casual talks with Sharon’s starmaker na si Vic Del Rosario with Direk Deo J. Fajardo, Jr. na ganun din ang naging obserbasyon niya sa show ni Sharon sa nabanggit na network. Ganun mag-isip ang mga henyo ng showbiz.

In fact, si Alfie ay ang original PR ni Sharon baka ‘di ‘nyo pa alam.  ‘Di lang siya “walking history” kundi “living encyclopedia” pa siya.

I dare the Mega Productions (co-producers sina Vic del Rosario, Sandra Chavez at Sharon dito) na i-feature naman nila ang face-off ng Megastar kung sakali with Alfie Lorenzo who will not I’m sure mince rare, educational and interesting historical insights, anecdotes, trivia and what have you that Sharon once shared with Alfie openly or in utmost secrecy but could be told or exposed now.

In fairness, sa Q& A portion, maraming revelations si Sharon na ini-open up sa press which to me was a total breath of fresh air.
Talagang kakaibang Sharon Cuneta ang mapapanood ng madlang pipol sa bagong TV show ng Kapatid Network. Magle-level up na si Sharon sa isang show na would challenge her to the best of what she is and could be — intelligent, artist non-pareil, and a giving and sharing person on and off camera.

Trivia ito. When the dead body of the dear departed Inday Badiday went through some difficult times getting out of the hospital due to unsettled bills there was Sharon signing a cheque almost a fortune yet to bail the corpse out no question, no publicity. In fact, she warned the one to whom she gave the cheque not to ever squeal on it. (May sikreto bang naitatago sa showbiz, ha Alfie L.?)

Among other things na na-settle ni Sharon Cuneta sa press brief ay ang ongoing sigalot niya and Kiko Pangilinan with the couple Tito Sotto  and Helen Gamboa. Tawag d’yan in French, ay “nobless obliss” na meron ang dalawang pamilyang ito knowing them way back sa time  ni Mommy Elaine sa Pasay City pa si Sha noon at sa “Bang Shang-Alang” Queen days pa ni Helen Gamboa hanggang sa pag-resurface niya  with another Movie Queen Susan Roces kung saan ang dalawa ay parehong may “tour de force” performances tuwing lumalabas sila sa most highly-rated soap opera na “Walang Hanggan” ng ABS-CBN.

In due time between the warring families at present eventually all will be well that ends well, sabi nga ni Shakespeare. Of course classic talaga ‘yung muhing-muhi siya sa mga tweets ng mga nag-nega sa kanya at sa kanyang pamilya. Iniiyakan niya ang mga ito, pero sabi niya natuto na rin siyang lumaban. Proof of which, sundan n’yo siya sa Kapatid’s official Twitter account (@SharonKasamaMo), Sharon’s personal handle (@sharon_cuneta12) and its Facebook page: (http://www.facebook.com/SharonKasamaMoKapatid).

In all bagay ang peg ‘ika nga ni Sharon sa kanyang bagong TV show which has an advocacy to touch people and viewers where they are most vulnerable the way Oprah Winfrey did it with her phenomenal TV show. The same with the equally iconic Barbara Walters and Ellen De Generis na pawang mga iniidolo niya.

Eere na ngayong Mayo tuwing Lunes hanggang Biyernes, swak ang mga kwento rito na ibabahagi ng Megastar bilang inspirasyon lalo na sa mga kababaihan. Sabi pa ni Sharon, “Walang katumbas ang suportang natanggap ko sa publiko sa nakalipas na 30 years ko sa industriya.
Ngayong nasa bago na akong tahanan, sa TV5, pagkakataon na siguro para suklian ko ang pagmamahal ng mga tao sa akin dahil hindi ako iniwan ng mga tao sa hirap at ginhawa.”

Ikaw na Sha! Kayo na Percy Intalan na nakakakita raw ng kakaibang tilamsik as in magic sa mukha ni Sharon during the brainstorming sessions pa lamang sa pagbubuo ng nasabing show. Ang pangitaing ito ay siyang naging peg para mabuo ang konsepto ng show ng Megastar.

Check it out mga Kakapatirans! You will not regret it.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply