Shell Advance motorcycle sa Marikina

RAIN or shine, itinuloy ng RACE Motorsports Club ang Marikina round ng Shell Advance and Sootorcycle Challenge noong nakaraang Linggo sa Marikina, Riverbanks.

Nanalo ng P5,000 grand cash prize si Jonathan Desoloc para sa Scooter challenge kasunod si Michael Bulandan na nanalo ng P3,000, habang ang 3rd placer na si Erick Casares ay nanalo ng P2,000.

Ang motor ni Nashroden Mamarinta ay nanalo ng 1st place para sa Best Dressed Stock category kasunod ang kay Restauro Verlita at ang kay Enrique Asuncion.

Top 2 lamang ang kinuha para sa Best Dressed Category; si Prodito Advincula ang nakakuha sa 1st place at Roy Buenafe sa ikalawa.

Umabot sa halos P17,000 ang naipamigay na mga papremyo nang araw na iyon. Ang susunod na round ng Shell Advance Motorcycle and Underbone Challenge ay ginanap kahapon (Linggo, Abril 1) sa Robinsons Starmills, Pampanga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply