Shell Advance Solo Motorcycle Challenge sa Pampanga

AYON sa Western tradition, ang unang araw daw ng Abril ay itinuturing na “April Fool’s day,” o di kaya’y araw ng mga manloloko o araw na pwedeng manloko. Taliwas sa tradisyong
ipinagdiriwang nang araw na iyon, walang lokohan o hokus-pokus na naganap sa ikatlong round ng Shell Advance Solo Motorcycle and Underbone Challenge na ginanap sa Robinsons Starmills, Pampanga.

Saksi ang Acespeedline at Guanzon dealerships sa pamimigay ng Shell ng kulang-kulang P17,000.00 cash prize sa mga nagwaging Pampangueñong rider.

Si Donato Moreno ay naguwi ng grand prize na P5,000 matapos niya makapagtala ng fastest time sa obstacle course na kulang-kulang isang minute at kalahati, habang ang 2nd placer na si Marcee Yabut ay tumanggap ng P3,000.00 at ang 3rd placer na si Albert Eufemo ay P2,000.

Para sa Best Dressed-Stock category (o ang may pinakamagandang disenyo ng motor), nakatanggap ng P2,000 si Jessfer Basilio at P1,000 naman para kay Ronel Punsalan. Si Onasis Punzalan, na naka-third place ay nakatanggap ng P500. Para sa Open Category, ang mga nagwagi ay sina: Wilmer Labandria (1st), Isagani Caylao (2nd), at Bernard Laxina (3rd).

Ang lahat ng nanalo ay nakatanngap rin ng Shell Advance jacket at Shell Outlast Battery. Bonus rin naman para sa mga hindi nagwagi ngunit nakibahagi sa kumpetisyon ay ang libreng change oil na inihandog sa kanila ng Guanzon dealerships.

Ang taunang Shell Advance Solo Motorcycle and Underbone Challenge ay pinangungunahan ng Shell Advance at RACE Motorsports Club. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin lamang ang kanilang Facebook page na www.facebook.com/ RACE-Motorsports-Club-Slalom-Racing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply