Short term courses ikonsidera– Dole

HINIMOK ng Department of Labor and Employment (Dole) ang mga mag-aaral na nagsipagtapos sa high school na ikonsidera ang mga short term o entrepreneur courses.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ang mga entrepreneur ang itinuturing na backbone ng ating ekonomiya kaya’t malaki ang maitutulong ng mga ito sa pagpapaunlad ng isang bansa.

Dagdag pa niya, ang mga entrepreneurial courses aniya ay makatutulong upang mabigyan ng kaalaman ang isang indibidwal sa “formal business management training” na maaaring magamit sa pagpili ng karera.

“Bachelor of Science in Entrepreneurship is one of the leading courses now being offered by over 105 schools in the country. It is designed to provide strong foundation to would-be entrepreneurs in the nuances of starting, operating, and expanding a business,” wika ng Kalihim.

Aniya pa, ang bachelor’s degree sa mga entrepreneurship program para sa apat na taon ay aabot sa P22,000 sa mga state university habang nasa P46,000 naman sa mga pribadong paaralan kada school year.

Ang mga entrepreneurship programs ay maaari aniyang gamiting gabay para sa isang epektibong pamamahala ng negosyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply