Sidecar boy todas sa wanted na ex-police

TATLONG tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng 25-anyos na pedicab driver matapos pagbabarilin ng dating pulis na wanted na sa batas sa Tondo, Maynila kahapon, Sabado, Abril 7.

Kinilala ang biktima na si Kim Tanyog, binata, ng 1926 Katamanan St., Tondo, habang patuloy namang tinutugis ang suspek, wanted din sa kasong pagpatay na si PO2 Rommel Fortuno, dating nakatalaga sa Northern Police District sa Caloocan Police Station at residente ng Dagupan Extension sa Tondo.

Sa ulat na isinumite ni Det. Ronald Gallo kay P/Sr.Insp. Esmael “Maying “ dela Cruz, acting at deputy chief ng Manila Police District-Homicide Section, alas-3:30 ng hapon kahapon nang maganap ang insidente sa  Katamanan at Guerrero St., sa Tondo.

Nasa loob ng sidecar si Tanyog, habang kakuwentuhan ang isang kaibigan nang sumulpot si PO2 Fortuno na lulan ng motorsiklo saka walang sabi-sabing pinagbabaril ang bitkima bago tumakas.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pamamaslang lalo at napag-alamang ang suspek ang nakapatay sa isa pa niyang kasamahan nang nasa tungkulin pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply