Sigalot ng 2 grupo sa Cotabato, 1 utas

TODAS ang isa, habang dalawa ang sugatan nang sumiklab ang sagupaan ng magkalabang pamilya sa Cotabato, Sabado ng gabi, Abril 7.

Sinabi ni 6th Infantry Division Public Affairs chief Col. Prudencio Asto, nagkasagupa ang mga armadong tauhan nina Mando Mandalait, dating sundalo at grupo ni Kumander Lugom ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Barangay Balabak, Pikit, North Cotabato.

Tumagal ng halos isang oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig gamit ang matataas na uri ng armas at humupa lamang nang mamagitan si Pikit Mayor Sumulong Sultan at MILF ceasefire committee at International Monetoring Team.

Namatay sa bakbakan si Alex Guiamlodin, habang sugatan ang kasama nito na si Kunin Dalyasin, kapwa tauhan ni Kumander Lugom ng MILF, habang sugatan din si Allan Baculudan na kamag-anak naman ni Mandalait.

Umaabot sa 200 pamilya ang apektado ng kaguluhan kaya nagsilikas sa kani-kanilang kabahayan sa takot na madamay nang dahil lamang sa awayan sa lupa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply