Sigalot ng China-Pinas ipinaubaya sa DFA

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagresolba sa tumitinding sitwasyon sa Scarborough Shoal, malapit sa Palauig, Zambales Province.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, bahala na ang DFA na suriing mabuti ang pangyayari sa Scarborough Shoal na bahagi ng West Philippine Sea.

Matatandaang, nagkaroon ng tensyon sa nasabing karagatan dahil sa nakitang walong Chinese fishing vessels ng BRP Gregorio del Pilar.

Sa ngayon, nananatili ang standoff sa pagitan ng BRP Gregorio del Pilar at dalawang Chinese maritime surveillance ships.

Unang sinabi ni DFA Spokesman Raul Hernandez na inimbitahan na ng DFA si Chinese Ambassador to the Phils. Ma Keqing para pag-usapan ang insidente at maayos sa payapang paraan.

“We defer it to DFA,” ani Lacierda.

Nagkakaroon ng tensyon sa pagitan ng flagship vessel ng Philippine Navy at dalawang Chinese ships sa South China Sea makaraang harangin ng surveillance vessel ng China ang pag-aresto ng Pilipinas sa Chinese fishermen sa Scarborough Shoal na teritoryo ng Pilipinas.

Natagpuan ng flagship vessel ng Phil. Navy na BRP Gregorio del Pilar (PF-15) ang walong Chinese fishing vessel sa Scarborough Shoal.

Kaagad na lumapit sa shoal ang dalawang barko ng China at pumuwesto sa gitna ng Gregorio del Pilar at ng Chinese fishing vessels dahilan upang hindi maaresto ng Pilipinas ang iligal na nangingisda.

Sa ulat, sinabi ni AFP Northern Luzon Command chief Lt. Gen. Anthony Alcantara na punong-puno ng corals, giant clams at iba pa ang sasakyang pandagat ng mga Tsino na nakunan pa ng larawan ng awtoridad.

Para naman kay Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez, sinabi nito na ipinatawag na sa kanilang tanggapan ni DFA Sec. Albert del Rosario ang Chinese ambassador kaugnay sa naturang insidente.

Sinabi ng opisyal na nananatiling nakaposisyon ang malaking barko ng Pilipinas at China sa lugar habang nagpapatuloy ang negosasyon ng dalawang bansa.

Sinasabing napapagitnaan ang Phil. Navy ship ng dalawang surveillance vessels ng China.

Ang nangyaring standoff ay habang nasa kalagitnaan ang paghahanda ng Pilipinas sa magaganap na joint naval exercises kasama ang Estados Unidos mula Abril 16 hanggang Abril 27, 2012 malapit sa pinag-aagawang lugar.

Anim na bansa kasama ang Pilipinas, China, Brunei, Malaysia, Vietnam at Taiwan ang nag-aagawan sa ilang bahagi ng South China Sea.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply