Sikyu ‘di makasuweldo sa kawalan ng koleksyon sa SM

HALOS dalawang buwan at kalahati na raw na hindi sumusuweldo ang mga security guard ng Ace Hardware greenbelt na nasa ilalim ng SM Mall dahil  wala raw makuhang collection mula sa pamunuan ng SM Mall.

Ito ang reklamo ngayon at problema ng mga empleyado at sikyu ng Puritan  Industrial Security Agency.

Sa kabila raw ng sunod-sunod na mga meeting na ginawa ng Puritan Industrial Security agency at ng pamunuan ng SM ay wala pa ring aksyon at development na puwedeng asahan ng mga security guard.

Bagama’t personal na lumapit sa Lily’s Files ang mga sikyu ay parang napakahirap paniwalaan na  hindi makakuha ng collection ang Security Agency sa isang multi-bilyonaryo at internasyonal na kompanya na tulad ng SM Mall.

Tungkulin ng isang kompanya na alagaan ang kanilang mga empleyado , dahil nagpapakahirap nga naman ang mga ito sa pag-tatrabaho pero parang pinabayaan na ang mga empleyadong ito ng Puritan Industrial Security agency.

Sa panig naman ng Puritan ay sinabi nilang matagal na nila itong idinulog sa SM Offrice ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring  malinaw na kasagutan at walang action ang nasabing mall.

Sigaw ng mga  sikyu, “Mr. Sy, paki-aksyunan niyo naman ang problema naming maliliit, gaya niyo po ay may karapatan din kaming mga trabahador niyo na makatanggap ng para sa amin.”

Oo nga naman.

Higit sa lahat, dapat ang mga security ng mall ang siyang pinasasahod nang maayos dahil  napakadelikado ng kanilang trabaho.

Kahit anong oras ay maaari nila itong ikamatay katulad ng nangyari sa Robinson’s Galleria kung saan ay isang sikyu ang namatay nang mabaril ng mga masasamang loob na pumasok sa loob ng mall.

Paano kapag hindi inaasahang mangyari ang katulad ng nangyari sa Robinson’s Galleria, ano ang mararamdaman ng pamilya ng sikyu?

Baka maisumpa ang SM management niyan.

Para sa inyong reklamo,  suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000  o kaya ay mag-email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply