Simbahan gumuho sa Nigeria, 22 patay, 31 sugatan

NATABUNAN ng buhay ang may 22 deboto habang sugatan naman ang 31 iba pa nang gumuho ang isang simbahan sa gitna mismo ng Easter vigil sa estado ng Benue sa Nigeria kahapon (Abril 8).

Ayon kay Cletus Akwaya, government spokesman, ang gumuho ay ang St. Robert’s Catholic Church dahil sa walng tigil na pag-ulan dulot ng bagyong bumayo sa Nigeria simula pa nitong Sabado ng madaling araw.

Sa mga namatay, 14 ang mga babae habang ang anim naman ay mga kabataan.

Mahigit sa 3,000 mga deboto ang nagdadasal sa simbahan nang ito ay biglang mabuwal.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply