Sina ‘Jing’ at ‘Gary’ ng QC

PALAISIPAN para sa mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group ang ‘di kanais-nais na  gawain ng isang  ‘Jing’ at ‘ Gary’.

Itong si ‘Jing’ na isang aktibong pulis ay nagpapakilalang ‘collector’ ni DILG Sec. Jesse Robredo sa mga iligal sa Quezon City.

At ito namang si ‘Gary’ ay involved sa malawakang gambling sa QC na ‘kaibigan’ umano ni QCPD director  C/Supt. Mario dela Vega.

Ang ‘connection’ ng dalawang  ito sa mga opisyal ng DILG at kapulisan ang dahilan para ‘di makapag-operate ang CIDG sa QC.

Kung may katotohanan ang ulat na may alam sina Robredo at Dela Vega sa gawain nina ‘Jing’ at ‘Gary’, aba’y ‘di na biro yan.

Si ‘Jing’ na bata rin umano ng isang ‘Col.’ Menoza’ na mahilig din sa ‘kotong’ ay operator din ng loteng, kasosyo ang isang ‘Lito Motor’.

Ang ikinasasama ng loob ng ilang QC pulis, itong si ‘Jing’ ay ‘di pumapasok sa kanyang duty at ang inaatupag ay pangongotong.

Sa mahigit dalawang dekada na, anilang, pulis si ‘Jing’ ay puro collection at sugal ang hinaharap at inaasikaso.

Susmaryoseppppp.

Para mabura ang haka-haka na may kinalaman sina Robredo at Dela Vega sa gawain nina ‘Jing’ at ‘ Gary’, aba mga sir…kilos.

Hamon natin (kina Robredo at Dela Vega)..rendahan n’yo ang dalawang kumag na yan dahil sila’y anay sa police organization.

—***—

PERGALAN SA NOVA

Inirereklamo ang animo’y mini-casino na pergalan (perya at sugalan) diyan sa Novaliches na protektado umano ng isang ‘Mendoza’.

Lahat umano ng uri ng sugal katulad ng beto-beto, skylab, sakla, kara y cruz, didal at iba pa ay makikita sa nasabing pergalan.

Again…Gen. Mario Dela Vega, sir, kaya n’yo bang pamunuan ang QC. Tila, bulag, pipi at bingi kayo sa mga nagyayari sa inyong nasasakupan.

—***—

TITA OFEL

Sino itong si Tita Ofel na sinasamba ng mga iligalista sa Batangas dahil sa angking connection sa gobyerno at Pambansang kapulisan.

Kilala rin ito sa tawag na aling Ofel at pergalan at tupada queen dahil sa involvement nito sa nasabing mga iligal na sugal.

Kung sino si Tita Ofel, yan ang susunod nating tatalakayin.

Abangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply