Sinasaniban na kaya nang masamang ispiritu?: Cristine Reyes wala ring respeto sa mommy nila ni Ara Mina

RECENTLY lang bago raw nagpunta ng Boracay   itong si Cristine Reyes ay pinuntahan muna nito ang Mommy nila ni Ara Mina na si Mrs. Klenk at idinetalye mismo ni Ara sa ilang kaibigang reporters ang buong pangyayari. Pagdating raw ni Cristine sa house ng kanilang ina ay pinagsisigawan ito ng kagalit na half-sister.

As in, pinagtaasan niya ito ng boses saba’y sabing kaya raw siya idinemanda ng kanyang Ate Ara ay dahil naiinggit ito sa kanya. Say pa ni Ara, wala talagang sincerity ang kapatid, kasi bago raw ito sumugod sa kanilang Mommy ay nag-text pa ito sa kanya. At narito ang laman ng ilang mensahe raw ni Cristine. “Nagte-text nga siya. Sabi niya (Cristine) kalimutan na namin ‘yung nangyari alang-alang kay Mommy.

“Pero hindi ko talaga maramdaman ‘yung sincerity niya eh,” sambit pa ni Ara sa ka-close na kolumnista. Oo nga naman! Kung talagang totoo si Cristine sa kanyang mga sinasabi, bakit kailangan niyang sigaw-sigawan ang kanilang mommy at patutsadahan pa sa harapan nito ang kanyang Ate Ara. Hay naku! As of presstime, ayaw raw tala- gang paareglo ni Ara hangga’t hindi nagbibigay ng kanyang public apology si Cristine na mukhang sinasaniban na yata ng masasamang Ispiritu. Gusto raw talaga ni Ara na maturuan niya ng leksyon ang kapatid nang magbago na ito.
Well, we hope gyud!

o0o

Pooh and K Brosas live at the Music Museum

POOH and K Brosas, together with Pokwang and Chokoleit, ignite the stage with their hilarious antics on their  special show titled 4 the Best at the Music Museum on May 4, 5, 11 and 12.

What happens if we put together four of the country’s top comedians onstage? It’s definitely four times the fun, wackiness and riot. Pooh promises only a night of laughter with a high voltage performance that will rock the house down. As one of the country’s brilliant entertainers, Pooh can make the crowds holler the moment he opens his mouth with his comic punch lines.

“Ibang level ang excitement ko sa show na ito. Enjoy kasing kasama sina K, Pokwang at Chokoleit. Ang sarap silang kabatuhan ng mga jokes. Hindi ka masasaktan pero sasakit naman ang tiyan mo sa katatawa. Iniimbitahan ko ang lahat na manood ng ‘4 the Best’ kasi nothing but the best perfor mance ang handog naming apat sa inyo. Hindi kayo magsisisi, promise, sa show naming ito. Hindi ko ipagbabawal ang pagtawa ng malakas pero bawal ang sumimangot,” says Pooh.

K will unleash once again her comic power in ‘4 the Best’. K is synonymous with pure entertainment because of her versatility as a singer, host, comedienne and theater performer. “Ang show na ito ay para sa lahat na mga taong masasaya, nalulumbay, nababaliw ng dahil sa pag-ibig, sa mga abala at walang magawa sa buhay (para may magawa sila). Ito ay isang pasasalamat sa aming mga fans na walang sawang humahalakhak sa mga jokes namin. Aba, hindi biro ang magpatawa. Try mo. Maiiyak ka kapag walang tumatawa sa mga jokes mo,” adds K.

Pooh and K Brosas are Backroom artists. For inquiries, call Backroom at 4351108 and 4351120 or email at backroominc@hotmail.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply