Singil sa kuryente itataas ng 33 sentimos kada kwh

MAGTATAAS ang Meralco ng 33 sentimos sa kada kilowatt hour na singil sa kuryente ngayong Abril.

Ayon sa Meralco, partikular na tataasan ang generation charge o ang pambayad nila sa mga supplier ng kuryente.

Madaragdagan ng P33 ang mga kumokonsumo ng 100 kwh habang P66 naman ang dagdag na babayara ng mga gumagamit ng 200 kwh.

Ang power rate hike ay bunsod ng pagtataas din ng singil ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at ng mga Independent Power Producer (IPP).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply