Scarborough Shoal situation ‘stable’ pa

NILINAW ngayon ni Northern Luzon Command chief Lt. Gen. Anthony Alcantara na matahimik o stable ang sitwasyon sa Scarborough Shoal.

Gayunpaman, anang heneral, patuloy ang monitoring ng militar sa lugar dahil nananatili pa ang dalawang barko ng China at ang Philippine Coast Guard na BRP EDSA matapos kapwa nagmatigasan sa paglisan sa nasabing pinag-aagawang teritoryo.

Bunsod nito, para makabawas sa tensyon, iniutos ng Malakanyang na i-pull out muna ang barkong pandigma na Philippine Navy na BRP Gregoriuo Del pilar sa bahagi ng West Philippine Sea.

Itinuturing din ni Pangulong Noynoy Aquino na “work in progress” ang nangyayaring negosasyon sa Scarborough Shoal kahit pa nakatakas ang Chinese fishing vessel at nananatili ang tensyon sa nasabing isla.

Inihayag ni PNoy na iniiwasang mapalaki ang isyu kaya pinull-out ang BRP Gregorio del Pilar at pinalitan ng mga barko ng Philippine Coast Guard.

Inihayag ng Pangulo na suntok sa buwan ang makipag-away sa China dahil kahit suntukan o pitikan ng ilong ay talong-talo umano ang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply