SM Baguio kinastigo sa pamumutol ng puno

KINASTIGO ng isang senador ang pagmamatigas ng management ng SM Baguio City sa kabila ng environmental protection order na ipinalabas ng Regional Trial Court upang pansamantalang ihinto ang pamumutol ng pine trees sa nasasakupan ng mall.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, dapat sundin ng management ng SM Baguio City ang court order laban sa pamumutol ng pine trees upang makahanap ng pamamaraan na malutas ang sigalot.

“I urge SM and other parties to obey and respect the court,” ayon kay Escudero nitong Miyerkoles.

Nitong Lunes, nagpalabas ang Baguio City Regional Trial Court ng environmental protection order upang pansamantalang itigil ang pamumutol ng 182 pine trees sa nasasakupan ng mall na pagtatayuan ng panibagong sangay nito.

“I welcome the environmental protection order issued by the court against SM management. While temporary as it may, it will enable all the stakeholders enough breathing space to take stock and study their respective options BEFORE making any permanent actions that might unduly affect our fragile ecosystem and environment,” ayon kay Escudero.

Sinabi ni Escudero na hindi na mapapalitan ang naputol na puno kapag itinuloy ng SM Baguio ang kanilang expansion program dahil lubhang napakatagal na panahon bago makapagpalaki ng pine tree.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply