SM malls ipinaboboykot ng obispo

PINABOBOYKOT ng isang obispo ng Simbahang Katoliko sa publiko ang SM malls dahil sa sinasabing patuloy pagbibingi-bingihan ng pamunuan ng mall sa isyu ng pamumutol ng punongkahoy at paglabag sa kautusan ng korte sa Baguio City.

Umapela si Baguio Bishop Carlito Cenzon sa publiko na makiisa sa kanilang panalangin upang magbago ang kaisipan ng pamunuan ng SM malls hinggil sa pamumutol ng mga punongkahoy.

Ayon naman kay Bishop Cenzon, isusulong din nila ang Baguio 182 movement (ang pangalan ay mula sa 182 punongkahoy na puputilin) kung saan tatalakayin nila ang mga problema.

Tinawag din ni Cenzon ang dambuhalang negosyante na isang dayo na gustong angkinin ang Baguio.

Nag-ugat ang isyu matapos na labagin ng pamunuan ng SM ang temporary restraining order o TRO ng huwes na pansamantalang nagpapahinto sa pamumutol ng punongkahoy para sa extension program ng naturang mall.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply