Smuggled imported meat mapanganib

MAPANGANIB ang mga smuggled imported meat, ayon kay Agham Party-list Rep. Angelo Palmones.

Ani Palmones, isa sa pandarayang istilo ng mga nagtitinda nito ay ang pagbabanli sa mga karne upang magmukhang sariwa.

Dagdag pa niya na daig pa ng ganitong istilo ang “botcha” o double dead na karne dahil sa hindi namamatay ang mikrobiyong nakukuha mula sa binabanliang smuggle na karne.

Payo ng mambabatas sa publiko na tiyaking hindi maputla ang binibiling karne sa palengke para makaiwas sa mga sakit na maaaring idulot nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply