Sobrang baon, mandurukot, salisi at kotong cops

NAGSIMULA nang bumiyahe ang milyon-mil-yong katao patungo sa iba’t ibang bahagi ng repablik ni Juan kaugnay ng Semana Santa.

Imadyinin na lamang ninyo kung gaano karami ang sakay ng nasa 250,000 na sasakyan na daraan araw-araw sa South Luzon Expressway sa Miyerkules at Huwebes.

May kotse na lima ang sakay, may dyipni na 20 ang sakay at may mga bus na 80 ang sakay. Ganito rin ang magaganap sa North Luzon Expressway at Subic-Clark-Tarlac Expressway.

Titigil kasi ang buong bansa sa kanilang karaniwang ginagawa at naiisipang bumiyahe ang milyon-milyong estudyante, magsasaka, obrero at empleyado ng pamahalaan.

oOo

Dahil sa bigat ng daloy ng maraming sasakyan sa mga lansangan,  kasabay ng dami ng mga binungkal na kalsada ng gobyerno, tiyak namang may magtatagal sa biyahe.

Kaya naman kailangan ang sobrang baon na pagkain, gamot at panggastos.

Gutom,  sakit  at kagipitan ang aabutin ng mga biyahero kung wala silang mga reserba para sa kanilang mga pangangailangan.

oOo

Kasabay ng pagbaon ng sapat na pangangailangan ang pagbabantay sa mga itim ang kaluluwa.

May mga mandurukot, salisi, kotongista, holdaper, mandurugas at iba pa.

Hindi lang sa mga terminal na sakayan naglipana ang mga ito kundi sa mga hinihintuan ng mga sasakyan o binababaan ng mga pasahero.

Nandiyan ang magkukunwang pasahero pero yang magnakaw ang pakay.

Meron ding mga tumutulong pero kokotongan ka o itatakbo lang pala nila ang mga bagahe mo o ang sukli ng ipinambayad mo.

May mga hindi namamalayang kawatan na hindi alam kung saan nanggagaling at tumatakbo.

Ah oo, maghanda pala ng posas o pamalo sa mga lekat na ito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply